Maiibsan ang pagka-homesick ng mga Pinoy na naninirahan sa South Korea kapag napasyalan nila ang isang sidewalk sa Seoul na kung tawagin ay "Little Manila," na puwedeng bilhin ang iba't ibang produktong Pinoy.
Sa pagdiriwang ng anibersaryo ng "Dapat Alam Mo!," bumisita si Kuya Kim sa South Korea at nilibot ang "Little Manila" na puno ng mga tindero at tinderang Pinoy, na nagbebenta ng mga produktong sariling atin.
Kabilang na rito ang chitcharong bulaklak, banana cue, at turon. Mayroon ding set ng mga gulay na puwede nang gawing pinakbet.
Tinatayang mahigit kumulang 60,000 mga Pinoy ang nasa South Korea, maliban pa sa mga dumadagsang turista. Sa mga simbahan doon, may mga Tagalog na rin na Misa para sa mga Pinoy.--FRJ, GMA Integrated News