Magbubukas ng mga trabaho ang iba't ibang bansa para sa overseas Filipino workers (OFWs), lalo na para sa health at skilled workers.
Sinabi ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na nangangailangan ang Germany at United Kingdom ng health workers, ayon sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Biyernes.
Samantalang sa Japan, professional at skilled workers naman ang hinahanap.
Naghahanap din ang New Zealand, Australia, Romania, Croatia, at Hungary ng skilled workers.
Kailangan naman ng Taiwan at South Korea ng factory workers.
Bisitahin ang opisyal na website o social media accounts ng POEA para sa karagdagang detalye.--Jamil Santos/FRJ, GMA News