Nadagdagan ng pito ang panibagong mga kaso ng Pinoy sa abroad na dinapuan ng COVID-19 para sa kabuuang bilang na 10,035, batay sa inilabas na datos ng Department of Foreign Affairs nitong Miyerkules.
Gayunman, maituturing na magandang balita na sa ikalawang sunod na araw ay walang naitalang pasyenteng Pinoy sa abroad na may COVID-19 ang nasawi, na nananatili sa bilang na 742.
26 August 2020
— DFA Philippines (@DFAPHL) August 26, 2020
Similar to yesterday’s figures, the DFA records no new fatalities among Filipinos abroad due to COVID-19, and another positive development in the total number of recoveries, with 47 new recoveries in Asia and the Pacific and Europe. (1/4)@teddyboylocsin pic.twitter.com/6VQ3UFb4mq
Nadagdagan naman ng 47 ang bilang ng mga gumaling para umakyat sa 6,076, habang 3,217 ang patuloy na ginagamot.
Nanggaling umano sa Asia and the Pacific at sa Europe ang bilang ng mga bagong gumaling at mga bagong kaso ng virus.--FRJ, GMA News