Trending ang isang aso dahil sa kunwari nitong non-chalant na reaksyon sa tuwing nilalambing ng kaniyang fur parent, pero clingy naman pala.

Sa ulat ng Balitanghali, mapanonood ang video ni Chelsea Lim ng kaniyang fur baby na si Moji.

Sa tuwing lalambingin si Moji, mala-deadma emoji lamang ang reaksyong ipinakikita nito.

Ngunit kung kunwaring iiwan na ito, dito na magiging instant papansin at magiging game sa kulitan si Moji.

Ayon kay Lim, sanay na siya sa moody na ugali ng kaniyang aso.

Dagdag niya, kunwaring non-chalant lang si Moji ngunit sa totoo lang, clingy itong aso.

May halos 300,000 views na ang video ng kulitan nina Lim at Moji. — Jamil Santos/BAP, GMA Integrated News