Kung tila nakalimutan nang ngumiti dahil sa ilang taon na pagsusuot ng face mask, isang klase sa Tokyo, Japan ang nagtuturo sa mga estudyante kung paano ito gawin.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, sinabing may salamin ang bawat mag-aaral para makita ang pag-unat nila sa kanilang mukha dahil ang ilan, hindi na nagagamit ang facial muscles mula noong magkapandemya.
Bukod dito, binibigyan pa sila ng score out of 100 gamit ang special facial detection software.
Taong 2017 nang nag-umpisang magturo si Keiko Kawano sa software class.
"Hollywood Style Smiling Technique" ang tawag sa method ni Kawano. —Jamil Santos/VBL/FRJ, GMA Integrated News