Nag-jogging na, tumaba pa ang bulsa ng isang babaeng jogger matapos siyang makapulot ng mga barya at perang papel sa kalsada sa San Nicolas, Ilocos Norte.
Kabilang sa mga napulot ni Precious Anne Duldulao ang P10, P20, P50, at maging P100, ayon sa ulat ng Balitanghali nitong Huwebes.
Hinala ng jogger, nahulog ang mga ito ng kaniyang kapwa joggers at mga residente at hindi na namalayan. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News