Posible nang mabalikan at muling maranasan bilang mga alaala ang mga video na kinunan mula sa smartphone o camera, sa tulong ng virtual reality (VR) app na binuo ng isang kumpanya sa Amerika.
Sa ulat ng Next Now, sinabing binubuo ng kumpanyang Wist Labs ang VR app, na gumagamit ng LiDAR scanner para ma-capture ang 3D information ng mga bagay na kinukunan ng video.
Gamit ang VR headset o augmented reality (AR), ang isang user ay mistulang bumabalik sa mismong pangyayari.
Bukod dito, puwede ring i-playback ang recording bilang isang AR hologram sa mismong lugar kung saan kinuha ang footage.
“We’re at a beautiful moment on our timeline where 3D capture technology is being embedded into consumer phones via new sensors and software… The right combination of this new tech can allow us to capture immersive memories: spatial moments in time that you can step back into,” sabi ng Wist Labs co-founder na si Andrew McHugh. —VBL, GMA Integrated News