Dead on the spot ang pahinante ng isang delivery van, habang sugatan naman ang driver nito matapos silang salpukin ng isang 10-wheeler truck sa Camarines Sur pasado alas-singko ng umaga nitong Biyernes sa kasagsagam ng malakas na ulan.
Nangyari ang insidente sa Andaya Highway sa habagi ng Barangay Cabasag sa banyan ng Del Gallego.
Ayon sa report ng Del Gallego Municipal Police Station (MPS), nakaparada sa gilid ng highway ang delivery van nang salpukin ito ng 10-wheeler truck.
Ayon sa driver ng 10-wheeler truck, may iniwasan umano siyang kasalubong kaya nasalpok ang delivery van. Patungo sa direksyon ng Bicol ang dalawang sasakyan.
Sa tindi ng pagsalpok ng ay nawasak ito at nagkayupi-yupi ang delivery van na parang lata.
Nagtamo ng matinding pinsala sa katawan at ang pahinante at ang driver. Kinilala ang nasawing pahinante na si Don-Don Relorcasa ng Imus, Cavite.
Ginagamot naman ngayon sa isang pagamutan sa Naga City ang driver na si Alex Bayrante.
Wasak din ang unahan ang truck. Ligtas ang driver at pahinante nito.
Nasa kustodiya na ng Del Gallego MPS ang driver ng truck na kinilalang si Mario Boc-Ong ng Davao City. Hindi na ito nagbigay ng pahayag.
Pinag-agawan naman ng mga residente ang mga produktong karga ng delivery van na nagkalat sa highway. —LBG, GMA News