Nasawi ang tatlong sakay ng tricycle, at tatlo pa ang sugatan nang mabangga sila ng isang pampasaherong bus sa Reina Mercedez, Isabela.
Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Huwebes, lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na mag-u-U-turn ang tricycle noong gabi ng Martes nang mabangga ito ng bus.
Sumuko naman sa pulisya ang driver ng bus at sinabing hindi niya napansin ang tricycle dahil madilim sa lugar.
Hindi na nagbigay ng pahayag ang pamunuan ng kompanya ng bus pero nangako silang tutulungan ang mga biktima.
Mahaharap sa kaukulang reklamo ang driver ng bus. --FRJ, GMA Integrated News