Nagbigay ng pahayag si Mavy Legaspi tungkol sa dati niyang ka-love team at naugnay sa kaniya noon na si Kyline Alcantara, at sa ka-date nito ngayon na si Kobe Paras.
Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News "24 Oras" nitong Lunes, sinabi ni Mavy na moving forward na siya sa mga nangyari.
"The person's happy. I'm happy. Let's end the year on a good note na peaceful," sabi ng Sparkle actor. "What's done is done also and lahat naman masaya."
Nang tanungin kung handa na ba siya sakaling magkita muli sila ni Kyline, sagot ni Mavy, "I've always been civil. At the end of the day, we're all just looking for happiness in our life."
Sa ngayon, sinabi ni Mavy na ini-enjoy niya ang pagiging single sa gym, focus sa diet at working out.
"Ang masasabi ko lang my heart's happy. That's it," pahayag ng binata.
Naghahanda rin ang aktor sa kaniyang bagong proyekto.
"I'm actually very focused on diet, and working out. Makikita n'yo in the very near future kung bakit kailangang magpapayat," paliwanag niya.
Ilang proyekto ang pinagsamahan nina Mavy at Kyline gaya ng "Luv Is: Love at First Read" at "Zero Kilometers Away."
Nitong nakaraang Agosto nang ihayag ni Kyline ang paghihiwalay nila ni Mavy. —FRJ, GMA Integrated News