Pumanaw na ang taong nasa likod ng kilalang David's Salon na si David Charlton.
Inanunsyo ang malungkot na balita sa Facebook page ng David's Salon, na ni-repost ng kaniyang anak na si Laura Charlton na creative director ng David’s Salon.
Ayon sa David’s Salon’s post, sisimulan ang viewing sa October 30 ng 2 p.m. Gaganapin naman ang final mass sa November 3, sa ganap na 1 p.m., sa The Chapels Heritage Park Taguig.
Isinilang si Charlton sa England, at nagpunta sa Pilipinas noong 1978. Taong 1989 nang itayo niya ang David’s Salon na mayroon na ngayong mahigit 200 branches sa buong bansa. —FRJ, GMA Integrated News