Nagbabalik sa GMA Prime ang bayaning minahal ng lahat na si Lolong at ang kaibigan niyang higanteng buwaya na si Dakila para sa ikalawang yugto na "Lolong: Bayani ng Bayan."

Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, sinabing muling gaganap si Kapuso Action Drama Prince Ruru Madrid bilang si Lolong.

Makakasama niya ang ilan sa original cast members na sina Alma Concepcion, Rochelle Pangilinan, Paul Salas, Jean Garcia, at Shaira Diaz.

Kabilang din sa ikalawang yugto ng Lolong sina Leo Martinez, Nikki Valdez at Nikko Natividad.

Kasama rin sina Klea Pineda, Martin del Rosario, Rocco Nacino at iba pa.

Balik-Kapuso rin ang mga beteranong artista na sina John Arcilla at Tetchie Agbayani. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News