Kabilang si Kyline Alcantara sa mga nag-repack ng relief aid para sa mga naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Kristine.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing nag-repack ang "Shining Inheritance" star sa GMA Kapuso Foundation warehouse.

Kasama sa mga maaaring i-donate ang mga pagkain at damit.

May pakiusap naman ang GMA Kapuso Foundation na hindi bababa sa anim na buwan ang expiry date ng mga donasyong pagkain.

Maaaring magdeposito sa bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, o magpadala sa Cebuana Lhuillier para sa cash donations.

Maaari ring magpadala online sa pamamagitan ng GCash, Shopee, Lazada, Globe Rewards at Metrobank credit card. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News