Pumanaw na nitong Miyerkoles ang British singer na si Liam Payne, na dating miyembro ng best-selling pop group na One Direction, sa edad 31 matapos mahulog mula sa ikatlong palapag ng isang hotel sa Buenos Aires, Argentina, ayon sa pulisya.
"Liam James Payne, composer and guitarist, former member of the band One Direction, died today after falling from the third floor of a hotel in Palermo," saad ng pulisya sa pahayag, ayon sa ulat ng Agence France-Presse.
Nagtamo si Liam ng "very serious injuries incompatible with life as a result of his fall," sabi sa lokal na telebisyon ni Alberto Crescenti, head ng SAME emergency medical service ng lungsod, at idinagdag na "there was no possibility of resuscitation."
Sinabi ni Crescenti na sumugod ang emergency personnel sa Casa Sur hotel sa Palermo matapos silang makatanggap ng tawag mula sa 911 ng 17:04 local time (2004 GMT).
Dumating sila pagkaraan ng pitong minuto at "verified the death of this man, who we later learnt was a singer."
Inilahad ng mga rumespondeng emergency worker, nakita si Liam sa patio sa loob ng hotel, ayon sa ulat ng Balitanghali nitong Huwebes.
Mahigpit na nakabantay ang mga awtoridad sa naturang hotel matapos ilabas ng emergency vehicle ang katawan ni Liam.
Ang One Direction ay sumikat noong 2010 nang mapanood ang mga teenager noong sina Liam, Niall Horan, Harry Styles, Louis Tomlinson at Zayn Malik sa British television contest na "The X Factor."
Inanunsyo ng grupo noong 2016 na dadaan muna sila sa "indefinite hiatus," ngunit nilinaw na hindi sila maghihiwalay.
Inihayag ni Liam na tinatrabaho niya ang kaniyang solo album noon ding 2016, at sinusundan ang yapak ng iba pang mga miyembro ng banda.
Dumalo siya sa isang concert ng dating kabandang si Horan sa Buenos Aires noong Oktubre 2, ayon sa magasing Billboard.
Nagdadalamhati ang ilang kapwa musician at celebrities sa kaniyang agarang pagpanaw.
Sa kaniyang Instagram, nag-post si Charlie Puth ng isang masayang larawan nila si Liam at sa kaniyang IG story, ibinahagi niya ang isang video na binigyan siya noon ni Liam ng isang t-shirt.
"I am in shock right now. Liam was always so kind to me. He was one of the first major artists I got to work with. I can not believe he is gone..." saad ni Charlie.
Ang German music producer naman na si Zedd, na nakipag-collaborate kay Liam sa party track na "Get Low," nag-post din ng photos ng mga pinagsamahan nila ni Liam noong mga nagdaang taon.
Sa pinakahuling photo, nag-post si Zedd ng isang drawing ni Liam.
"Rest in paradise," pakikiramay naman ng hip-hop artist na si Quavo, na collaborator ni Liam sa kaniyang hit solo song na "Strip That Down."
“Beyond sad to hear this news. Rest well my friend," mensahe sa Instagram ni Jonas Blue, na nakatrabaho ni Liam sa kantang "Polaroid" kasama si Lennon Stella.
"Just talked to you 2 days ago my guy. Ima miss u fr fr sucio,” saad ng rapper na si Ty Dolla $ign sa Instagram stories.
So upsetting to hear the news of @LiamPayne passing???? Sending love and condolences to his family & loved ones. ???? RIP my friend????
— Paris Hilton (@ParisHilton) October 16, 2024
"So upsetting to hear the news of @LiamPayne passing. Sending love and condolences to his family & loved ones. RIP my friend," saad ni Paris Hilton sa X. — VBL, GMA Integrated News