Nagbabalik with a bang ang Blackpink member na si Jennie, na ni-release na ang kaniyang solo comeback single na "Mantra."

Sa ulat ng Balitanghali nitong Biyernes, sinabing trending ang music video na mayroong 2.8 milyong views sa loob lamang ng tatlong oras.

Iba-ibang looks ang ipinakita ni Jennie suot ang kaniyang sexy at girly outfits, at itinampok din sa ilang eksena ang kaniyang blonde hair.

Una itong single ni Jennie sa ilalim ng Columbia Records at Odd Atelier.

Pumirma si Jennie sa Columbia Records nitong Setyembre.

Ilan pa sa mga solo ni Jennie ang “SOLO,” “You & Me," at may collaboration song din sila ni ZICO na "SPOT!'' —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News