Sa paggunita ng Children’s Month, nag-post sa Instagram ng video si Kylie Padilla na kasama niya ang mga anak na sina Alas at Axl.

“It’s children’s month and I would love any reason to celebrate the two angels of my life,” saad ni Kylie sa caption.

Ibinahagi rin ni Kylie ang pagiging maaalalahanin ni Alas na ikinuha siya ng inuming tubig nang hindi siya nakapaglagay sa tabi ng higaan.

Habang si Axl, sinabi ni Kylie na laging siyang sinusundan at gusto muli ng gatas niya.

“I keep thinking to myself it is possible to command my body to produce milk again lol that was my favourite part of the infant stage too,” ani Kylie. “Who knew I would find my soulmates in my two boys hearts. We are the three musketeers for life.”

Sa comments section, isang netizen ang nagsulat na, “Sana magkabalikan po kayo ng tatay nila.”

Sinagot naman ito ni Kylie na, “No thanks. We good.”

 

 

Si Aljur Abrenica ang ama nina Alas at Axl, ngunit naghiwalay sila ni Kylie, na kinumpirma mismo ni Robin Padilla [ama ng aktres]  noong 2021.

Kinalaunan, inamin ni Aljur na nagtaksil siya sa pagsasama nila ni Kylie.

Following the separation, Kylie and the boys moved into their new home.

Sa kabila ng kanilang paghihiwalay, sinabi ni Kylie na maayos ang ugnayan nila ni Aljur para sa kanilang mga anak.

Kasalukuyang karelasyon ni Aljur si AJ Raval, habang kinumpirma ni Kylie nito lang nakaraang July na may nagpapasaya sa kaniya na isang non-showbiz guy.-- FRJ, GMA Integrated News