Umabot sa 42 party-list groups ang inalis ng Commission on Elections (Comelec) o kinansela ang rehistrasyon para sa party-list elections sa Eleksyon 2025. Gayunman, mayroong 160 party-list groups pa rin ang maglalaban-laban para makakuha ng upuan sa Kamara de Representantes.

Sa Memorandum No. 241119 na inilabas ng Comelec nitong Martes, nakasaad na ang mga grupo o koalisyon na inalis sa listahan dahil hindi nakasali sa nagdaang dalawang halalan ay ang:

  •     1-ABAA (1-Ako Babaeng Astig Aasenso)
  •     Abyan Ilonggo (AI)
  •     AKIN (Akbay Kalusugan Inc.)
  •     ALON (Adhikaing Alay Ng Marino Sa Sambayanary Inc.)
  •     AMANA (Aksyon Ng Mamamayang Nagkakaisa)
  •     ANG PDR (Ang Partido Demokratiko Rural)
  •     CLASE (Central Luzon Alliance for Socialized Education)
  •     KGB (Katipunan ng mga Guardians Brotherhood, Inc.)
  •     MELCHORA (Movement of Women For Change And Reform)
  •     NACTODAP (National Confederation of Tricycle Operators and Drivers Association of the Philippines)
  •     PDDS (Pgdglalismo ng Dugong Dakilang Samahan)

Samantala, ang grupo naman na bigong makakuha ng at least 2% ng mga boto sa party-list system at hindi nakakuha ng upuan sa second round ng seat allocation sa nakalipas na dalawang halalan ay ang:

  •     1-CARE (1st Consumers Alliance for Rural Energy, Inc.)
  •     ABEKA (Abe Kapampangan)
  •     ACTS-OFW (Acts Overseas Filipino Workers Coalition of Organization)
  •     AKO BISDAK (Ako Bisdak-Bisayang Dako (AB-BD) lnc.)
  •     AKMA-PTM (Aksyon Magsasaka-Partido Tinig Ng Masa)
  •     AP Partylist (Alliance of Public Transport Organization, Inc.)
  •     Anakpawis
  •     Ang Kabuhayan
  •     ALIF (Ang Laban ng tndiginong Filipino)
  •     ANAC-IP (Ang National Coalition of Indigenous Peoples Action Na! Inc.)
  •     ANGKLA (Angkla: Ang Partido Ng Mga Pilipinong Marino, Inc.)
  •     ABS (Arts Business and Science Professionals)
  •     AASENSO (Ating Agapay Sentrong Samahan ng mga Obrero, Inc.)
  •     ABANTE PILIPINAS (Avid Builders of Active Nation's Citizenry Towards Empowered Philippines)
  •     Butil Farmers Part
  •     KABALIKAT (Kabalikat ng Hustisiya ng Nagkakaisang Manileño)
  •     MAYPAGASA (Kilusang MayPagasa)
  •     KOOP-KAMPI (Kooperatiba-Kapisanan ng Magsasaka ng Pilipinas)
  •     AYUDA SANDUGO (Mindoro Sandugo Para Sa Kaunlaran, Inc.)
  •     KONTRA BROWNOUT PARTYLIST (National Association of Electricity Consumers for Reforms, Inc.)
  •     MARVELOUS TAYO (Noble Advancement of Marvelous
  •     People of the Philippines, Inc.)
  •     1 UTAP BICOL (One Unified Transport Alliance of the Philippines - Bicol Region)
  •     Parents Teachers Alliance
  •     PLM (Partido Lakas ng Masa)
  •     Philippine Educators Alliance For Community Empowerment
  •     Philippine National Police Retirees Association, Inc.
  •     Pilipinas Para Sa Pinoy
  •     BUKLOD FILIPINO (Pinagbuklod na Filipino Para sa Bayan)
  •     1-ANG EDUKASYON
  •     Wow Pilipinas Movement
  •     YACAP (You Against Cormption and Poverty)

“Therefore, by virtue of the powers vested in the Comelec under Republic Act No. 7941, the Commission resolves to delist and cancel the registration of the following party-list groups/ organization and coalitions,” nakasaad sa resolusyon.

“This resolution is without prejudice to the failure to file a Manifestation of Intent to Participate of retained partylist groups or organizations, and to the filing of any Petitions for cancellation or disqualification against any party, organization, or coalition and/ or its nominees for the 12 May 2025 National and Local Elections,” dagdag nito.

Ayon kay Comelec chairperson George Erwin Garcia, mayroong 160 party-list organizations ang kasali sa Eleksyon 2025, at 42 sa mga ito ay bagong grupo.

“Mas mababa kumpara sa mga nakaraang election natin sa party list, ‘yung 42 na bilang na 'yan at bilang din ang kabuuan ng party-list na magpa-participate sa election sa 2025,” sabi ni Garcia.--mula sa ulat ni Sundy Locus/FRJ, GMA Integrated News