Kabilang ang entrepreneur at vlogger na si Rosmar Tan sa mga naghain ng certificate of candidacy nitong Martes para tumakbong konsehal sa Maynila sa Eleksyon 2025.
Ayon kay Rosmar, sa unang distrito ng Maynila siya tatakbong konsehan bilang isang independent candidate.
''Sa totoo lang, tulad ng lagi ko pong sinasabi, wala naman po akong balak tumakbo dahil dagdag sakit sa ulo, dagdag obligasyon, responsibilidad... pero kasi may nag-push po sa akin 'tumakbo ka, kasi kailangan ka ng tao, kailangan nila ng tunay na pagbabago,''' ani Rosmar.
Nang tanungin tungkol sa kaniyang kaalaman sa paggawa ng mga ordinansa o batas na kabilang sa mga tungkulin ng konsehal, sabi ng vlogger, ''Lahat po ng bagay puwede matutunan, hindi naman po ako bobong tao.'' —mula sa ulat ni Anna Felicia Bajo/FRJ, GMA Integrated News