Isang basketball friendship game ang nauwi sa kuyugan, suntukan at batuhan ng silya ng dalawang koponan sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Sa ulat ni Fe Marie Dumaboc ng GMA Regional TV sa Balitanghali, sinabing dawit sa gulo ang mga manlalaro mula sa Barangay Agus at Market Team ng lungsod.

Patuloy ang pagtukoy ng pulisya sa pangalan ng mga manlalaro, at ang pinag-ugatan ng gulo.

"Kung walang magpa-file ng charge at countercharge or ang isang team, kung 'di sila magpa-file ng physical injuries, pag-aaralan natin ang possibility na tayo sa police ang magpa-file ng kaso for alarms and scandals against sa dalawang team," sabi ni Police Lieutenant Colonel Christian Torres, spokesperson ng Lapu-Lapu City Police Office.

Sususpendehin din ng Lapu-Lapu City Sports Commission ang mga sangkot sa rambulan. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News