Ipinagtanggol ng mga miyembro ng bandang "Journey," ang kanilang Pinoy vocalist na si Arnel Pineda kaugnay sa naging performance nito sa Rock in Rio Music Festival sa Brazil na may mga hindi nasiyahan.
Sa Instagram post, inihayag ng drummer ng banda na si Deen Castronovo na, "Arnel has RISEN to the challenge of Journey’s catalog, NIGHT after NIGHT, YEAR after tiring YEAR!"
"He gives to YOU ALL and Journey, the best that he can give you,” patuloy niya.
Binigyan-diin din ni Deen na itinuturing "biological instrument" ang boses ng tao na naapektuhan ng iba't ibang dahilan.
“Sometimes it DOES NOT, CANNOT or WILL NOT cooperate when needed. So, what’s the point of hammering a human being over something they have no control over?” giit niya.
"I know very few who can pull off what Arnel does without ego and with passion and grace," dagdag pa ni Deen.
Mensahe pa niya sa mga basher, "Back off trolls! You are messing with my family now and I am a rabid protector of my own."
Nagpahayag din ng suporta kay Arnel ang keyboardist ng banda na si Jonathan Cain, at inihayag sa kanilang Pinoy vocalist na, "you are not going anywhere."
"16 years and strong!," panimula ni Jonathan. "Love you and grateful for you."
Una rito, nag-post si Arnel sa social media ng paumanhin sa fans na hindi nasiyahan sa kaniyang pagtatanghal sa Brazil dahil nahirapan siyang abutin ang mataas na tono sa kanilang kanta na "Don't Stop Believin."
Tinanong ni Arnel ang fans kung dapat na ba siyang umalis sa grupo.
Taong 2007 nang maging vocalist ng Journey si Arnel nang umalis ang dating lead vocalist nila na si Jeff Soto. — FRJ, GMA Integrated News