Isinilang na ni Ria Atayde ang first baby nila ng aktor na si Zanjoe Marudo.

Sa social media, nag-post ang aktor ng maigsing video mula sa ospital na tila may baby sa itinutulak na carrier short.

May nakasaad sa post na "O9.23.24" na tila araw nang isinilang ang video at naka-tagged si Ria.

Sa Facebook, may caption ito na, "Eto na! Officially Zaddy ka na, Z."

Hindi pa inihahayag sa publiko ng mag-asawa ang gender ng kanilang baby.

Matatandaan na inanunsyo ni Ria ang kaniyang pagbubuntis sa Instagram noong nakaraang Father's Day nang batiin niya si Zanjoe na happy Father's Day.

Ikinasal sina Ria at Zanjoe sa isang civil ceremony noong March 2024, isang buwan matapos ang kanilang engagement.

Enero 2023 nang kumpirmahin ni Zanjoe ang relasyon nila ni Ria.

Agosto 2022 nang magkaroon ng mga espekulasyon tungkol sa kanilang relasyon nang makita silang magkasama, kasama ang ilan nilang kaibigan sa New York. — FRJ, GMA Integrated News