Nagsama-sama sa isang collab ang global girl group na KATSEYE at P-pop Kings SB19 at kumasa sa "Touch" TikTok dance challenge.

Sa TikTok ng KATSEYE, mapanonood ang SB19 members na sina Pablo, Stell, Ken, Josh at Justin na kumasa kasama ang Filipina leader na si Sophia, Yoonchae, at Daniela.

"SB19 making the challenge fire," caption ng KATSEYE.

May higit tatlong milyong views na ngayon ang video.

@katseyeworld SB19 making the challenge fire ???? @SB19 Official #SB19 #KATSEYE #KATSEYE_Touch #KATSEYE_Daniela #KATSEYE_Sophia #KATSEYE_Yoonchae ? Touch - KATSEYE

Matatandaang bumisita ang KATSEYE sa Pilipinas para sa kanilang Manila fan showcase, at nag-guest din sa "It's Showtime."

Samantala, tila naging ika-pitong miyembro ng KATSEYE ang online sensation na si Niana Guerrero matapos niyang maka-collab din ang global girl group at kumasa sa "Touch" dance challenge.

"[B]ack at it, but this time with the queens themselves @katseyeworld" caption ni Niana.

 

Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News