Nagbigay ng saya sa mga manonood ng "It's Showtime" ang "Kalokalike" ni Kapuso comedian na si Super Tekla.

Sa episode ng noontime show nitong Biyernes, napag-alaman na mula sa Zamboanga del Norte si Vincent, na kalahok sa "Kalokalike" segment ng programa.

Maging ang mga komedyante na sina Neggi at Tetay, aliw-aliw sa mga pakulo at pagkanta ng kamukha ni Super Tekla.

Ayon kay "Super Tekla," isang paligo lang ang lamang niya sa ganda ni Bella Padilla na co-host sa "It's Showtime."

Kaya naman tinanong ni Bella si "Tekla" kung ano ang sabon na gamit niya.

"Walang sabon-sabon, tubig-tubig lang," ayon kay "Tekla."

"Huwag po nating tutularan, magsabon po tayo," natatawang sabi ni Bella.

Nakalaban ni "Tekla" ang kalokalike ni Kaila Estrada at Jhong Hilario. Alamin sa video kung sino sa tatlo ang nanalo. Panoorin.-- FRJ, GMA Integrated News