Kumalas na sa Careless Music ni James Reid ang aktres na si Liza Soberano.

Inanunsyo ito ng record label sa Instagram Stories nitong Sabado.

“Liza Soberano is no longer under Careless Music Management effective July 29, 2024,” nakasaad sa pahayag.

“It has been a pleasure to have represented her and we wish her the best in all of her endeavors,” dagdag nito.

Taong 2022 nang pumirma sa Careless Music si Liza matapos umalis sa pamamahala ni Ogie Diaz.

BASAHIN: Ogie Diaz, nagkomento sa pahayag ng dati niyang 'alaga' na si Liza Soberano

Sa umpisa ng taong ito, napanood si Liza sa kaniyang kauna-unahang Hollywood movie na "Lisa Frankenstein," na pinagbidahan nina Cole Sprouse at Kathryn Newton.

Nakaagaw ng pansin at umani ng papuri mula sa mga American film critic ang pagganap ni Liza sa pelikula.

Naging bahagi rin si Liza bilang presentor sa 2024 Crunchyroll Anime Awards sa Japan, at naging jury member sa 1st Ho Chi Minh International Film Festival.

Nitong nakaraang Hulyo, nagong “cover star of the day” ng Dutch publication na Numero Netherlands ang aktres. —FRJ, GMA Integrated News