Inilahad ng Asia’s best at World No. 3 pole vaulter na si EJ Obiena na seryoso sila ng kaniyang nobyang German athlete na si Caroline Joyeux sa kanilang relasyon. Napag-uusapan na kaya nila ang kasal?

Sa kaniyang pagbisita sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Miyerkoles, tinanong ni Tito Boy si EJ sa pagpo-propose kay Caroline.

"Wala po," tugon ni EJ. “I think we’re still young, and we’re figuring things out.”

Gayunman, inilahad ni EJ na seryoso sila sa kanilang relasyon.

"I think we're very serious naman po. It's a very serious relationship," anang atleta.

Pinuri rin ni EJ ang kaniyang nobya.

"She's really amazing. She makes me wanna be a better person," saad niya.

Sa Fast Talk segment ng programa, sumagot si EJ na si Caroline ang pinaka-sexy na babae para sa kaniya.

Magkarelasyon na sina EJ at Caroline mula pa noong 2020, at nagkakilala noon sa isang training camp sa Italy.

Nakuha ni EJ ang fourth place sa 2024 Paris Olympics, na malaki nang laktaw mula sa 11th na ranking niya noong 2020 Tokyo Olympics.

"You are a real fighter. I’m so proud of you. We will be back!” mensahe ni Caroline kay EJ.--FRJ, GMA Integrated News