Kasama sa inaabangan tuwing "ber" months ang OPM singer na si Jose Mari Chan dahil sa hit song niyang "Christmas in Our Hearts." Ano nga ba ang diwa ng Pasko para sa kaniya?
"Everyday should be Christmas Day. The spirit of Christmas is giving and sharing, that is what gives meaning to life," saad ni Jose sa kaniyang pagbisita sa Unang Hirit nitong Martes.
"We have to share our blessings with those in need," pagpapatuloy pa niya.
Ikinatuwa ni Jose ang mga naglalabasang memes tungkol sa kaniya sa social media kahit bago pa man sumapit ang "ber" months. Gaya ng sumisilip at nag-i-stretching na nagpapahiwatig na malapit nang mapakinggan ang kaniyang hit songs tungkol sa Pasko.
"Many of them are funny," anang Filipino singer-composer.
Matatandaang naging emosyonal si Jose sa isang event nang makisabay sa kaniya ang audience sa pagkanta niya ng "Christmas In Our Hearts."
"What surprised me was the whole crowd sang along with me, and I was so touched and moved," kuwento ni Jose.
Nauna nang sinabi ni Jose na hindi niya kailangan ang mga titulo na ibinibigay sa kaniya gaya ng "Father of Christmas Carols" at "King of Christmas Carols."
"I don't like that. I'm just your regular Filipino singer-songwriter who happened to write a song, a Christmas song, that our people both young and old love, so it's a blessing to me and I thank God for that gift," saad niya. --FRJ, GMA Integrated News