Hindi inakala ng internet sensation na si Ralp Xyrel Villaruz na papatok sa social media ang ginawa niyang pagsasayaw sa kantang "Maybe This Time" ni Sarah Geronimo habang nababagot sa hinihintay nang sandaling iyon.

Sa ulat ni Aaron Brennt Eusebio sa GMA Network.com, sinabing naging guest si August 31 episode ng 'It's Showtime' ang Tiktok content creator na si Ralp Xyrel.

Naging emosyonal si Ralp Xyrel nang sayawin ng "It's Showtime"--kabilang sina Jong Hilario at Vice Ganda-- at iba pang Tiktok content creators, ang ipinauso niyang choreography sa "Maybe This Time" na tila nagdadabog.

"Masaya po dahil na-experience ko po ito sa buhay ko. Once in a lifetime lang po ito," ani Ralp Xyrel.

Sinabi ng binata na isang volleyball player sa kanilang paaralan sa Zamboanga, na naghihintay sila ng training nang gawin niya at i-video ang saway.

"Vinideo ko lang 'yung sarili ko no'n kasi po nabo-bore ako kakaintay ng training ng volleyball," pagbahagi niya.

Sinabi pa ni Ralp Xyriel na cellphone ng kaibigan ang ginamit niya at ito ang nag-upload sa TikTok ng video.
Umaabot na ngayon ang video sa mahigit tatlong milyon na likes at halos 49 milyon ang views.-- FRJ, GMA Integrated News