Patok sa kanilang sexy movies at pagiging cover ng men's magazine sina Aubrey Miles, Maui Taylor at Diana Zubiri noong 2000's. Nagkaroon nga ba sila ng rivalry?

Sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Martes, nagbalik-tanaw sina Aubrey, Diana at Maui tungkol sa pagsasama nilang tatlo para sa calendar ng isang men's magazine noong 2003.

"Noong time na 'yun kasi, kaming tatlo 'yung parang rivals sa pagpapa-sexy," pag-amin ni Maui.

Matatandaang nasa ilalim ng pangangalaga noon ng Regal Entertainment si Aubrey, si Maui ay sa Viva, habang si Diana naman ay sa Seiko Films.

"As you all know, 'yung tatlong 'yun may competition before. From there on, since sabay kaming ni-launch for that year, kami na rin 'yung pinili nilang cover girls, kasi tayo 'yung mainit 'yung pangalan noong time na 'yun," sabi pa ni Maui.

Saad naman ni Aubrey, "Kunwari siya (Maui) ang naunang nag-cover, kailangan ako ang susunod tapos si Diana. Parang laging, kapag ako nauna, siya (Maui) naman ang kailangan, parang ganu'n."

"Umiikot lang sa amin 'yung time na 'yun," dugtong pa ni Maui.

Sa kabila nito, hindi nakikita ni Diana bilang mga "kakompitensya" noon sina Diana at Aubrey.

"For me po Tito Boy, hindi ko pa siya nakikita as a competition. Kasi parang kasabayan lang, ganu'n lang," ani Diana.

Hindi rin nakikipagkumpitensya sina Maui at Aubrey sa isa't isa, dahil matagal na silang magkaibigan.

"Kasi we were friends prior to before showbiz. So wala nang ganu'ng competition," sabi ni Maui.

Tinanong ni Tito Boy ang tatlo, "how sexy was sexy?" ang ginawa nila noon sa pagpapa-sexy.

"Grabe!" tugon ni Aubrey.

Samantala, sa kabilang ng kanilang kaseksihan, inamin ng tatlo sa Fast Talk segment na nagkaroon sila ng paghanga sa kapuwa nila babae. Panoorin at alamin sa video kung sino ang mga ito. — FRJ, GMA Integrated News