Magiging bahagi rin si Ruru Madrid ng pelikulang "Green Bones," na entry ng GMA Pictures sa darating na Metro Manila Film Festival 2024.

Makakasama ni Ruru sa naturang pelikula sina Dennis Trillo at Sofia Pablo, na ididirek ng award-winning director na si Zig Dulay.

Ang "Green Bones" ay base sa original story ni JC Rubio, senior documentary manager ng GMA Public Affairs. Ang screenplay ay mula sa panulat ng National Artist na si Ricky Lee at MMFF 2023 Best Screenplay winner Anj Atienza.

Kabilang ang "Green Bones" sa unang limang pelikula nakapasa para sa MMFF 2024, kasama ang "And the breadwinner is…," "Strange Frequencies: Haunted Hospital," "Himala: Isang Musikal," at "The Kingdom."

Kasalukuyang bida si Ruru sa GMA Public Affairs action series na "Black Rider," na nasa finale week na sa GMA Primetime.

Nitong nakaraang taon, bumida si Ruru at Yassi Pressman sa GMA Pictures at VIVA Films co-production movie na "Video City."

Samantala, kasama naman si Dennis sa upcoming series na "Pulang Araw," habang sa series na "Prinsesa ng City Jail" sa Sofia.--FRJ, GMA Integrated News