"Bumenta" sa "Deadpool & Wolverine” stars na sina Hugh Jackman at Ryan Reynolds ang gimik sa interview na ginawa sa kanila nina Donny Pangilinan at Cong TV. Ang dalawang Hollywood big stars, may napansin sa Pinoy vlogger na dahilan kaya nanlaki ang mga mata ni Hugh at napa-'son of a b— ' si Ryan. Alamin kung ano.

Kabilang sina Donny at Cong TV sa nagkaroon ng pagkakataon na makapanayam sina Hugh at Ryan sa film promotion trip na ginawa kamakailan sa Seoul, South Korea.

Ang taktika nina Donny at Cong TV, kunwaring hindi nagkakasundo sa kanilang mga itatanong kina Hugh at Ryan.

May gimik pa si COng TV na seryoso habang nagpapalitan sila ni Donny ng mga tanong sa dalawang aktor.

Pero lalong nagulat at natawa sina Hugh at Ryan nang sabihin ni Cong TV na huling tanong na nila sa dalawa "so you can go back to your family."

“When you smile, does it create a cracking sound?,” hirit ni Ryan kay Cong, na napangiti pero pilit niyang itinago.

Gayunman, hindi iyon nakawala sa paningin ni Hugh.

“Oh, I saw that!” sabi ni Hugh sabay turo kay Cong TV, na napansin din ni Ryan.

“Watch that, replay that,” natatawang sabi ni Hugh na sumilip pa sa camera na nakatutok noon kina Donny at Cong. TV.

“You smiled! I saw joy in your eyes, [you] despicable son of a b—,” sabi ni Ryan.

“Oh, his dimples too. I see some dimples,” dagdag pa ni Ryan.

Pagkatapos ng nakatutuwang panayam, tinanong ni Cong TV ang dalawa kung alam nila ang tinatawag na Gen Z selfie na kanilang ginawa.

Sa direksyon ni Shawn Levy, ipapalabas ang "Deadpool & Wolverine" sa mga sinehan sa July 24. Kasama rin nila si Jennifer Garner na muling babalik bilang assassin na si "Elektra." -- FRJ, GMA Integrated News