Inalmahan ni Arci Muñoz ang mga natatanggap niyang pamba-bash dahil sa kaniyang pagiging isang “favored” na BTS fangirl.
"Ewan ko po. During that time, I was just really—they're my source of happiness. Basta as long as I'm happy," panimula ni Arci sa episode ng "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Huwebes.
"It's strange that people, you know, parang of course they're gonna talk na siyempre kung anong gusto nilang sabihin. They already have a perception of you in their heads, so kung hindi mo ma-achieve 'yun sa naiisip nila, may issue ka," dagdag niya.
Sa kabila nito, sinabi ni Arci na hindi niya hahayaang maapektuhan siya ng mga negatibong komento.
"I know myself more than anyone else," sabi niya.
Kasalukuyang nasa hiatus ang K-pop global icon na BTS dahil sa kanilang mandatory military service. Nakatakda silang mag-reconvene bilang grupo sa 2025.
Si Jin ang unang miyembro na nakapagtapos ng kaniyang service at discharged na sa military noong Hunyo 12.
On active duty pa sa kasalukuyan sina RM, Jimin, V, Jungkook, J-Hope, at Suga.-- FRJ, GMA Integrated News