Natagpuan na ni Ryan Bang ang kaniyang forever matapos ma-engaged sa Pinay na si Paola Huyong.

Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ni Ryan ang ilang larawan ng kaniyang proposal kay Paola sa isang café sa Quezon City.

Si Paola naman, nagbahagi rin ng close-up photos ng kaniyang singsing.

Nag-iwan din sila ng love-lock sa café na may nakasulat na “Paola said yes.” Mayroon ding décor na may nakasulat na “Ryan proposed here” at “Paola said yes here.”

Pinost din ni Paola ang sulat ni Ryan sa kaniya: “Mi amor, thank you for saying yes. Can’t wait to spend the rest of my life with you.”

May pirma ito ni Ryan na “From your soon-to-be husband.”

Sa caption naman ni Paola, “God is good.”

Ilan sa mga unang bumati kay Ryan ang kaniyang kapwa “It’s Showtime” hosts na sina Karylle, Ogie Alcasid, at Jhong Hilario.

Unang isinapubliko ni Ryan ang relasyon niya kay Paola noong 2023, na tinawag niyang kaniyang “The One” at “my forever Filipina.” —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News