Ikinuwento ni Sheree Bautista na kinausap siya noon ng kaniyang anak na huwag nang gumawa ng mga “bold” projects.

“Kasi one time pumunta kami sa school niya, merong lumapit, ‘I watched your movie!’ Tapos [ako] ‘What movie?’” panimulang kuwento ni Sheree sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Miyerkoles.

Nang banggitin ng kumausap sa kaniya ang titulo ng pelikula, hiniling ni Sheree na huwag itong banggitin para hindi marinig ng kaniyang 16-anyos na anak na si Haley.

“So sabi ng anak ko, ‘What happened?’ Tapos in-explain ko sa kaniya. Sabi niya sa akin ‘I want to sit down with you and talk to you,’” kuwento ni Sheree.

Dito, nagkaroon si Sheree ng pagkakataon na pakinggan ang hiling ng anak.

“We sat down and then he said ‘Mom I just have one request.’ I said ‘What?’ ‘You can still do ‘yung mga sexy but can you not do the, Vivamax, the bold?’” ani Haley.

Ngunit paliwanag ni Sheree, matagal niya na itong napagdesisyunan na huwag nang ituloy.

“Sabi ko, ‘Yeah, I just tried lang naman even before you told me, I already decided to move to more serious projects,” saad ng dating miyembro ng Viva Hot Babes.

May co-parenting set-up sina Sheree dati niyang partner na si Gian Magdangal sa kanilang anak matapos ang hiwalayan nila noong 2013. Bukod dito, kasundo rin ni Sheree at ng kanilang anak ang bagong partner ni Gian.--FRJ, GMA Integrated News