Inilahad ni Lexi Gonzales ang sikreto ng matatag na relasyon nila ni Gil Cuerva na pangatlong taon na ngayon.

"I think it's because we're just taking it easy, kasi we're not rushing into things pa naman Tito Boy," sabi ni Lexi sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Huwebes.

Dagdag ni Lexi, unti-unti nilang hinaharap ni Gil ang mga hamon sa kanilang relasyon, at hinahayaan din nila na mapabuti pa ang isa't isa.

"Whatever comes to us each day, we just take it together. Pero binibigyan din namin ng chance 'yung isa't isa to grow on our own. So I think 'yun po ang important," anang Running Man Philippines runner.

Sa Fast Talk segment, tinanong si Lexi kung ano ang kaniyang gagawin kung may umaaligid kay Gil.

"Sasapakin!" biro niyang sagot.

Dahil dito, tinanong din ni Tito Boy kung "territorial" na klase ba ng girlfriend si Lexi.

"No naman po. I let him go out with his friends whenever he pleases," saad niya.

Gayunman, may hangganan din ito.

"Siyempre huwag naman siyang super wasted kapag umuwi. But okay lang din kung sinong leading lady ang mapili niya to work with. It's fine," ayon sa kaniya.

Kinumpirma ni Gil na nobya niya si Lexi Pebrero noong nakaraang taon.

Inamin niyang siya ang gumawa ng first move kay Gil.--FRJ, GMA Integrated News