Pinakasalan ni Medwin Marfil ng bandang True Faith ang kaniyang partner na si Mark Angeles sa California.

Nag-post sa social media, ang OPM singer ng larawan sa kanilang kasal. Suot ng dalawa ang white button-downs, khaki trousers, at white sneakers.

Nilagyan niya ni Medwin ng caption na, “May 11, 2024. Rockaway Beach, Pacifica, California.”

“It was a beautiful day,” dagdag niya

Isa ang True Faith sa mga sikat na banda noong ‘90s sa Pilipinas. Kabilang sa kanilang hit songs ang “Huwag Na Lang Kaya,” “Dahil Ikaw,” at “Kung Ok Lang Sa Yo,” at marami pang iba. —FRJ, GMA Integrated News