Sa podcast na "Updated with Nelson Canlas," nabanggit ni Andrea del Rosario na pinagsisisihan niya ang “bad decisions” na nagawa niya sa kaniyang career. Kasama kaya doon ang pagtanggap niya noon ng sexy roles?
“I wouldn't have done it, but I don't regret that I did it.”
Iyan ang naging pahayag ng dating sexy star at "Makiling" actress na si Andrea del Rosario tungkol sa pagganap niya sa sexy roles noon. Ayon pa sa aktres, wala siya kung nasaan man siya ngayon kung ibang daan ang tinahak ng kaniyang career noon.
Sa Updated with Nelson Canlas podcast, pinasalamatan ni Andrea ang mga network at management na nagbigay sa kaniya ng opportunities noon para sa naging success niya sa show business.
Aniya, “They've just been giving me all these wonderful projects here and there, and I just probably have this certain look that's ok for a role, and then nabibigyan lang ako ng maraming chances.”
Sa kabilang banda, inamin ni Andrea na pinagsisisihan niya “bad decisions” na nagawa niya sa kanyang career, na ngayon ay itinuturing niyang learning experiences.
“May mga projects siguro na 'Should I have done that?' mga ganun. I don't look at it as something bad, it's a learning experience ang tawag du'n,” sabi niya.
Pagpapatuloy ni Andrea, “I learned from it, so it's not a mistake. I teach my daughter not to regret din but just be mindful of the consequences when you make choices. We just learn so wala, wala namang regrets.”
Nang tanungin kung may babaguhin siya sa naging takbo ng kaniyang karera, ang sagot ni Andrea, “Siyempre, I wouldn't have done it, but I don't regret that I did it because I wouldn't be where I am right now if I chose a different path.”
Ayon kay Andrea, naging daan ang pagiging sexy star niya noon para makakuha ng experience sa showbiz at para matulungan ang kaniyang pamilya. Pero aniya, hindi iyon sapat na rason at motivation para maging isang sexy star.
“Siguro si God na lang ang magja-judge kung ano 'yung nasa puso ko at that time when I considered it. I don't really care what other people say about it, the stigma that went with it because like what I said earlier, at least I was also given a chance to prove myself, that I am more than just that,” sabi ni Andrea.
Pag-amin ni Andrea, marami rin siyang iniidolong mga dating sexy star na ipinakita ang kanilang galing sa serious acting. Ngunit, ayon sa kaniya, marami pa siyang bigas na kakainin para marating ang galing nila.
“Marami pa akong shows na I hope that I 'll be part of. I hope I'll still be given the opportunity to hone my skills and to really showcase whatever talent I have,” pagtatapos niya.--Maine Aquino, Kristian Eric Javier/GMANetwork.com