Sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Miyerkoles, sinabi ni Paolo na ang hindi niya pagkomento sa isyu tungkol kay Yen ay pagrespeto na rin sa mga tao sa buhay niya.
“I think dumating na kasi tayo sa point na feeling ko people think na we owe it to everyone to share what's happening to you. And I believe it's not part of my acting craft anymore. Habang nagsi-share ka nang nagsi-share lalo kang pakikialaman, and respeto sa mga tao sa buhay ko,” paliwanag ng aktor.
“It's time na 'yung mga pribadong bagay, 'yung mga walang kinalaman sa pag-arte mo or sa craft mo bilang artista, itira mo na 'yun para sa sarili mo,” pagpapatuloy niya.
Inilahad ni Paolo kung ano ang mga dapat manatiling pribado sa kaniyang buhay.
“Anything that doesn't have to do with my acting. I'm an actor, ang pinakaresponsibilidad ko is to my co-actors, to GMA, to my bosses, na maging maging matino akong katrabaho, maging matino ang trabaho. Anything na labas doon like my family or anything na hindi na kasama sa pag-arte ko, I think that's private," pahayag niya.
Natanong din si Paolo ni Tito Boy kung apektado ba siya sa mga bashing na kaniyang natatanggap o kung napipikon siya.
"Anything they say about my family, yes, nakakaapekto sa akin 'yun. But anything about me, parang ang plastic ko kung sabihin kong walang wala,” saad niya.
Dahil dito, sinabi ni Paolo na nagpo-focus siya sa mga taong naniniwala sa kaniya.
“Pero ako kasi, I make sure na sa 100 na bashing at may isang positive diyan, I concentrate on that positive. Naniniwala ako na kapag may isang naniniwala sa 'yo, okay ka pa. Sa sobrang daming negativities sa mundo, hindi mo puwedeng isipin lahat 'yun,” sabi niya.
“Lahat ng tao they are entitled to what they want to say. Sometimes sobra, pero opinion nila 'yun eh. So ang sa akin, hangga't may isang naniniwala sa 'yo, tuloy ka lang," dagdag ni Paolo.
Nagbigay ng pahayag si Paolo sa estado nila ni Yen sa premier night ng bago niyang pelikula na “Fuchsia Libre.”
“Isang magandang ‘No comment!,’" sabi niya. "As I always say, masyado na kayong may alam sa buhay ko. So I’d like to keep it personal.”
Ayon kay Paolo, ang pag-unfollow ng isang tao sa social media ay hindi nangangahulugang hiwalayan agad.
“Dati fina-follow kita, dati fina-follow ko… In-unfollow ko rin kayong lahat. Ibig sabihin ba naghihiwalay tayong lahat?,” paliwanag niya.--FRJ, GMA Integrated News