Inilahad ni Queenie Padilla, kapatid ni Kylie, na hiwalay na sila ng kaniyang asawa na si Usama Mir.
Sa Instagram post, sinabi ni Queenie na "irreconcilable incompatibility" ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.
“Assalamualaikum, after much thought and consideration, I have decided to seperate from my husband, due to irreconcilable incompatibility,” ayon sa anak ng actor-turned-politician na si Senador Robin Padilla.
Ayon kay Queenie, "This decision wasn't taken overnight it has been years and months of trying to work things out.”
Sa kabila ng kanilang paghihiwalay, sinabi ni Queenie na patuloy niyang mamahalin at igagalang ang ama ng kanilang anak.
"He's a great father and responsible human being. Although life has taken us on different paths right now, I will forever cherish the 11 years we've had together,” saad pa niya.
Sa huli, nagpasalamat si Queenie sa lahat ng sumusuporta sa kaniya at nakiusap na igalang ang kanilang privacy "during this difficult time.”
Si Queenie ay panganay na anak nina Robin at dati nitong karelasyon na si Liezl Sicangco.
Taong 2015 nang kumpirmahin ni Queenie na kasal na sila ni Usama Mir. -- FRJ, GMA Integrated News