Matapos madala sa ospital nitong weekend, nakalabas na ng pagamutan ang aktres na si Julia Barretto.

Sa Instagram, ibinahagi ni Julia ang kaniyang larawan habang nasa ospital ay may nasal tube na nakalagay sa kaniyang ilong.

Hindi inilahad ng aktres kung ano ang dahilan kung bakit siya dinala sa ospital.

"Discharged and finally home. Thanks so much to my doctors, nurses and the entire medical staff for taking such good care of me the past couple of days. Thank you for the long hours of hard work," saad ng aktres.

"A tough time but taking this one as a reminder that our health should always be top priority. Sending good energy!" dagdag niya.

 

 

Bumuhos naman ng well wishes sa comment section mula sa fans at kapuwa celebrities ni Julia.—FRJ, GMA Integrated News