Nagpapasalamat si KC Concepcion sa kaniyang ina na si Sharon Cuneta dahil sa mga mamahaling regalo na ibinigay sa kaniya.

Sa Mother’s Day, inilaan ni KC ang kaniyang YouTube vlog sa pagbabalik-tanaw sa mga memorable items na ibinigay sa kaniya ng kaniyang ina, gaya ng mga alahas.

Kuwento ni KC, tradisyon sa kanilang pamilya na ipasa ng mga nakatatanda sa mga nakababata ang ilan sa itinuturing timeless jewelry pieces.

Ito rin umano ang dahilan kaya naingganyo si KC na kumuha ng jewelry courses at naglunsad ng sarili niyang brand na Avec Moi.

Ilan pa sa mga natanggap na regalo ni KC mula kay Sharon ang isang limited-edition Louis Vuitton bag, isang vintage Louis Vuitton trunk mula sa Paris, coffee table books, at earthenware mula sa Japan.

“Whenever I see Louis Vuitton or luxury bags, I remember my mom, kasi talagang ‘yung collection niya ng bags, todo todo talaga,” sabi ni KC.

Sa pagtatapos ng kaniyang vlog, ipinaabot ni KC ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang ina.

Sabi pa akttes, “Life is short. Let's just love each other, and forgive each other and be happy.”

“I love you mom, and I will always cherish these gifts that you’ve given me,” dagdag ni KC.

Una rito, nagbahagi rin si KC ng mensahe ng pagbati para kay Mother's Day.

"Trust in the way you raised me—I will always strive to make you proud and feel that having me was worth it," sabi ni KC sa Instagram post.— FRJ, GMA Integrated News