Tinuldukan na ni Dingdong Dantes ang mga usapin noon tungkol sa kanila ni Lindsay De Vera, at itinangging nagkaroon sila ng anak ng aktres.
“Wala po, hindi po totoo,” sabi ni Dingdong sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes.
Pag-amin ni Dingdong, nagdalawang-isip pa siya noong una kung magsasalita siya tungkol sa issue.
Ngunit para sa kaniya, responsibilidad niyang magsalita alang-alang sa kaniyang mga mahal sa buhay.
“Dahil may mga tumatawag na sa aking mga kaibigan, mga kamag-anak, ‘yung mga nagmamalasakit sa akin... responsibilidad ko na klaruhin ang issue na ito dahil mahalagang mahalaga po ang aspetong ito para sa akin,” anang Kapuso Primetime King.
“I have a responsibility sa aking pamilya to clear things like this, because I love my wife, I love my family,” pagpapatuloy niya.
“That’s why I’m saying it is not true,” muling diin ni Dingdong.
Noong una, pinagtatawanan lamang nila ito ni Marian Rivera. Hanggang sa kumalat nang kumalat ang usapin at marami na ang nakapanood o nakabasa ng hindi totoong balita.
“Once and for all I’m clarifying na hindi siya totoo,” sabi niya.
Wala ring ideya si Dingdong kung bakit patuloy itong pinag-uusapan.
“I have no idea. Mahirap magbigay ng mga espekulasyon. Dahil sa totoo lang, first time kong mapunta sa ganitong sitwasyon.”
“I think I’m okay that I cleared it because kailangan po talaga, dahil mahal ko ang pamilya ko, kailangan maging klaro ang mga bagay na ganito,” sabi pa ni Dingdong.
Noong mga nakaraang taon pa ang mga usapin, at nauna nang sinabi ni Lindsay na hindi totoo ang isyu.
"Nagulat po ako because it has been a very long time since last ko pong nakasama at nakatrabaho si Kuya Dong. And then ngayon pumutok 'yung issue," sabi ni Lindsay.
"2017 'Alyas Robinhood' the last time I worked and saw Kuya Dong. 2018 I did 'Victor Magtanggol.' Kung nabuntis po ako dapat noong 'Victor Magtanggol' pa lang nakikita na nila na lumalaki 'yung tiyan ko or may napapansin na sila sa katawan ko na kakaiba," anang aktres.
Handa raw si Lindsay na harapin hanggang sa korte ang mga nagpakalat ng maling balita. — VBL, GMA Integrated News