Ikinagulat at ikinadismaya ni Yasmien Kurdi nang malaman niyang inalis sa Facebook at Instagram ang video ng kanilang gender reveal dahil umano sa "bullying and harassment."
Sa kaniyang FB page, ipinost ng aktres ang screenshot sa ipinadala sa kaniya na umano'y nagawa niyang paglabag sa patakaran ng Community Standards ng social media platform kaugnay sa ipinost na gender reveal.
"Just last night we posted a video of our mini gender reveal and to our surprise this was taken down today on FB [and] IG due to bullying and harassment. We get reported a lot for wholesome contents," saad ng aktres.
Hindi maunawaan ni Yasmien kung bakit inalis ang kaniyang gender reveal post, samantalang hinahayaan lang ang ibang malalaswang post at may masasakit na salita.
"Ang i-report n'yo po ay ang mga malalaswang contents, huwag po 'yung wholesome contents. Isipin po natin ang mga anak at magiging anak natin. Anong klaseng mundo ba natin sila gusto palakihin?" pahayag ni Yasmien.
Nitong nakaraang Nobyembre nang ianunsyo nina Yasmien at mister niyang si Rey Soldevilla, na magkakaroon na sila ng bagong baby.
na silang unang anak na si Ayesha Zara, na 11-anyos na ngayon.
Batay sa gender reveal video na tinanggal ng FB at IG, babaw muli ang magiging anak nina Yasmien at Rey.—FRJ, GMA Integrated News