Pumanaw na sa edad na 60 nitong Linggo ang batikang aktres na si Jaclyn Jose.

Kinumpirma ng talent management na PPL Entertainment Inc., ang malungkot na balita sa kanilang Instagram post.

"It saddens us to inform everyone of the untimely passing of Miss Jaclyn Jose (real name Mary Jane Guck).

More details will be shared as soon as they are available.

The Guck and Eigenmann families are requesting for everyone to please pray for the eternal repose of Miss Jaclyn Jose and for them to be allowed the respect and privacy to mourn her passing, and navigate these difficult times."

 

 

Isinilang si Jaclyn, Mary Jane Guck noong 1963.

Hinahangaan si Jaclyn sa kaniyang husay sa pag-arte, sa pelikula man o telebisyon.

Ilang sa mga pelikulang ginawa niya ang "White Slavery"  ni Lino Brocka at "Private Show" ni Chito S. Roño.

Noong 2016, itinanghal na best actress si Jaclyn sa Cannes Film Festival para sa pelikulang "Ma'Rosa" na idinerek ni Brillante Mendoza.— FRJ, GMA Integrated News