Inilunsad ni BLACKPINK member Lisa ang sarili niyang label na "Lloud," na magsisilbing platform para ipakita ang kaniyang vision sa music at entertainment.
Sa kaniyang Instagram, na makikita rin sa Unang Balita nitong Biyernes, ibinahagi ni Lisa ang black and white photo at ang pangalan ng kaniyang label.
“Introducing LLOUD, a platform to showcase my vision in music and entertainment. Join me on this exciting journey to push through new boundaries together,” saad niya sa caption.
Si Lisa ang ikalawang BLACKPINK member na naglunsad ng kaniyang sariling label kasunod ni Jenny.
Nauna nang iniulat noong Disyembre na nag-renew ng kontrata ang mga miyembro ng BLACKPINK na sina Jennie, Lisa, Jisoo, and Rosé.
Gayunman, sumunod ang anunsyong hindi sila magre-renew ng kontrata para sa kanilang mga indibiduwal na mga gawain. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News