Aminado si Heart Evangelista na mahirap makakita ng tunay na kaibigan sa mundo ng showbiz at fashion na kaniyang ginagalawan.

"I'm really tired ... I'm tired [but] happy," sabi ng Kapuso actress at fashion icon sa ginanap na ambassadorship launch ng GCash nitong Miyerkules.

Gayunman, sabi ni Heart, "It's fulfilling, kasi, but when you have moments that you know you just want real friends, it's hard."

Sa madalas na pagkakataon, ang pamilya raw ang sinasandalan ni Heart.

"Kasi, you feel misunderstood, but at the end of the day, you go back to your family, and that should be enough," aniya. "If people love you, they love, but if they don't, then they don't."

Sa naturang event na kinapanayam siya ng King of Talk na si Boy Abunda, naging emosyonal si Heart nang mapag-usapan ang kahandaan niya na magkaroon na ng sariling anak.

"I feel like if there's any moment that I should be blessed with a baby, it should be now because I feel like I'm ready as a person, and I would be able to give more," sabi ng aktres.

Matatandaan na nawala kay Heart ang dati niyang ex-glam team na sina Justin Soriano at Jeck Aguilar.

Noong nakaraang Agosto, naglabas ng saloobin si Heart tungkol sa ginawa umanong pagtataksil ng mga kaibigan.—FRJ, GMA Integrated News