Makakasama ni Carla Abellana si Bea Alonzo sa upcoming primetime series na "Widow's War." Ano kaya ang masasabi ni Carla sa pinagdadaanan ngayon ni Bea matapos ang balitang breakup nito kay Dominic Roque?

Sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa GMA News "24 Oras" nitong Huwebes, sinabing magiging busy pa lalo si Carla dahil magsisimula na ang taping nila sa "Widows' War."

Pero hindi raw niya kinukulit o tinatanong si Bea tungkol sa love life nito.

BASAHIN: Bea Alonzo, nais makatrabaho ang 'mukhang manika' na si Carla Abellana

"Hindi ako yung someone na parang itatanong yun or kukulitin siya, magpi-fish ako, hindi naman," ani Carla.

"It's a very sensitive private matter so that's her personal life," dagdag niya. "Of course I pray for her, I only wish she's okay."

Nakaranas din ng matinding pagsubok sa love life si Carla nang maghiwalay sila ng kaniyang dating mister na si Tom Rodriguez, ilang buwan matapos lang silang ikasal noong October 2021.

Ngayon na nakalipat na siya sa kaniyang bagong bahay, at mistulang nagsisimulang muli ng bagong buhay, handa na kayang umibig muli at makipag-blind date muli ang aktres?

"Ayoko ng blind date hindi ako comfortable sa blind date," natatawa niyang sagot. "But dating my goodness, I won't say din na I'm open to it pero ayoko pa siya masyadong isipin not that I'm blocking myself."

Nang tanungin kung may mga nagpaparamdam bang manligaw sa kaniya, sabi ni Carla, "Mayroon naman noon pero ngayon parang 'di na I don't know where they are." —FRJ, GMA Integrated News