Inilabas na ng Paramount Pictures ang unang trailer sa inaabangang "A Quiet Place: Day One," ang ikatlong bahagi ng makapigil-hiningang horror science fiction movie.

Sa "A Quiet Place: Day One," babalik ang kuwento na likha ni John Krasinski, sa pinakasimula ng naunang dalawang pelikula partikular sa pagdating sa daigdig ng mga kakaibang nilalang na naging dahilan kung bakit kailangan maging tahimik ang mga karakter sa pelikula.

Si Michael Sarnoski ang direktor ng "A Quiet Place: Day One" na pinagbibidahan nina Academy Award winner Lupita Nyong'o, Joseph Quinn ("Stranger Things"), Alex Wolff ("Hereditary") at Djimon Hounsou ("Amistad"), na napanood din sa part 2 ng pelikula.

Mapapanood ito sa US theaters sa June 28. — FRJ, GMA Integrated News