Inilahad ni Sanya Lopez na bukod sa kanila nina Alden Richards, Barbie Forteza, at David Licauco, may isa pang malaking male artist na papasok sa upcoming series nila na “Pulang Araw.”

“Nako abangan nila kung ano bang magaganap doon sa bagong paparating na, kakampi ba, o kalaban? Abangan,” sabi ni Sanya sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa 24 Oras.

Proud din si Sanya sa magandang working relationship nila nina Alden at Barbie.

“Kaming tatlo nina Alden at Barbie, magkakasama na kami sa isang eksena. So okay naman kami. Si David hindi pa namin nakakasama dahil may dahilan po ‘yon,” sabi ni Sanya.

Samantala, inilunsad na rin ni Sanya ang sarili niyang jewelry line sa pagsisimula ng taon, na ginanap sa isang mall sa Maynila.

Gusto ng Sparkle actress na mag-design ng 1940s inspired na alahas para magamit niya sa taping ng “Pulang Araw.”

“Lahat ay talagang natutuwa para rito sa Pulang Araw at excited kasi talagang napakagaganda ng pagkasulat ng istorya, importante rin po ‘yun. At tsaka habang binabasa mo pa lang siya, nararamdaman mo na,” sabi ni Sanya.

Ayon kay Sanya, kahanga-hanga ang ginagawang pagbabalik ng production ng hitsura ng kapaligiran noong World War 2.

“Talagang ibinabalik sa panahon ng 1940s ‘yung location namin. Ang ganda, kahit kami, kapag pumupunta kami, na-amaze kami. Tapos ‘yung mga klase ng upuan, hindi pala gumagamit ng pako. So may mga ganu’n. Paano nabuo ‘yun?” sabi niya.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente. – Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News