Nakatanggap ng award ang BTS members na sina RM at V bilang "elite trainees" nang matapos nila ang basic military training.

Sa kaniyang Instagram, na makikita rin sa ulat ng Saksi, nagbigay si RM ng update sa kanilang military enlistment, kung saan nakasuot sila ni V ng army uniform habang naka-salute.

May caption niya ito na "loyalty."

Base sa report ng Soompi, isa si RM sa mga ginawaran "for being an elite trainee of the 27th Recruit Training Regiment."

Nauna nang sumalang sa kanilang military service sina Jin, J-Hope at Suga.

Huli namang sumalang sina Jimin at Jung Kook.

Mandatory para sa lahat ng mga kalalakihan sa South Korea na sumalang ng aabot sa 18 buwan na military service. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News