May bagong achievement si Taylor Swift ngayong Bagong Taon matapos niyang malampasan na si Elvis Presley bilang solo artist na may pinakamaraming weeks na nag-number one sa Billboard 200 Chart.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabing 68 weeks na ang total weeks ni Taylor bilang number one para sa siyam niyang albums at apat na re-recorded albums.

Nalampasan na ni Taylor ang record ni Elvis Presley na 67 weeks na nag-number one noon sa Billboard 200.— Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News